Missing Pinay sa Israel, hinahanap pa
MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba pang kaibigang bansa para matunton ang kinaroroonan ng isa pang nawawalang Pinay sa pag-atake ng militanteng Hamas sa Israel noong Oktubre 7.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, tinanong na rin nila ang kapwa OFW na si Jimmy Pacheco kung mayroon siyang kapwa Filipino na nakasamang na-hostage at tanging ang alam lamang ay wala siyang ibang kasamang hostage.
Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang kinaroroonan ni Noralyn Babadilla kung ito ba ay nabihag din ng Hamas.
Matatandaan na si Pacheco ay nabihag ng Hamas noong Oktubre 7 subalit napalaya rin nitong Nobyembre 24.
Sa kabila nito umaasa pa rin si De Vega na magkakaroon ng himala para mahanap si Babadilla.
- Latest