^

Bansa

CA pinaboran si De Lima sa petisyon vs Ombudsman

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni dating Senador Leila de Lima na kumukuwestiyon sa pagbasura ng Office of the Ombudsman sa reklamo niya laban kina dating Justice Secretaries Vitaliano Aguirre at Menardo Guevarra sa pagpayag na makatestigo sa korte ang mga kriminal na nasentensyahan na.

Sa 24-pahinang desisyon na inilathala nitong Biyernes, ibinalik ng CA ang kaso sa Ombudsman makaraang igiit na walang balidong rason para tanggihan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa reklamong administratibo na inihain ni De Lima laban sa mga respondent.

Sa kaniyang petisyon noong 2018, inakusahan ni De Lima sina Aguirre at Guevarra ng dereliksyon sa kanilang tungkulin nang gumamit ng mga state witness na convicted na mga kriminal, sa pagtestigo laban sa kaniya sa kaso niya sa iligal na droga.

Ikinatwiran ni De Lima na ang pagpasok sa mga convicted criminals sa Witness Protection, Security and Benefit Program ay paglabag sa Republic Act 6981 o ang Witness Protection, Security and Benefit Act.

Kabilang sa mga kinukuwestiyon ni De Lima ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na sina Jojo Baligad, Peter Co, Vicente Sy, Hans Anton Tan, Herbert Colangco, Noel Martinez, Froilan Trestiza, Engelberto Durano, Nonilo Arile, Jaime Patcho at Rodolfo Magleo.

Napawalang-sala na si De Lima sa dalawang kaso sa iligal na droga habang nakapaghain na siya ng piyansa sa ikatlo at huling kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court.

vuukle comment

CA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with