^

Bansa

7 pang testigo vs De Lima, aatras na rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
7 pang testigo vs De Lima, aatras na rin
Former senator Leila de Lima raises her hand as she shouted "I'm free" upon her release from the custodial facility in Camp Crame, Quezon City on November 13, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pito pang testigo ang nagpahayag ng pag-atras sa kanilang mga testimonya sa kaso sa iligal na droga na kinakaharap ni dating senador Leila De Lima.

Ito ay makaraang magpadala ng sulat sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang mga testigo na sina Germa Agojo, Tomas Donina, Jaime Patcho, Wu tuan Yuan (Peter Co), Engelberto Durano, Jerry Pepino at Hans Anton Tan.

Sa kanilang sulat, sinabi ng pito na naimpluwensyahan lamang umano ang ibinigay nilang mga testimonya kontra kay De Lima, ayon sa kanilang liham na may petsang Nobyembre 17, 2023.

Hindi na umano nila nais na mamuhay na may kaalaman na hinayaan nila ang mga sarili na magamit na maging instrumento ng kawalang-hustisya.

“We wish to live a life of dignity, integrity, and responsibility moving forward,” ayon sa grupo.

Sa kabila nito, hindi naman binanggit ng grupo kung sino ang sinasabi nilang namilit sa kanila na magbigay ng maling testimonya.

Sinabi pa ng pito na may banta na rin sa kanilang kaligtasan patunay ang naganap na pananaksak sa New Bilibid Prison noong 2016.

Dito nila hiniling sa Department of Justice (DOJ) na mailipat sila mula sa Sablayan Prison and Penal Farm patungo sa ibang jail facility.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with