^

Bansa

Pagbawi na may ‘korapsyon’ sa LTFRB, sisilipin ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat pa rin imbestigahan ang pagbawi ng mga alegasyon ng korapsyon ng dating executive assistant ni suspended LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III.

Sa pahayag ni Sen. Grace Poe, chairman ng Se­nate Committee on Public services kaduda-duda ang pagbawi ni Tumbado ng kanyang mga pahayag at dapat malaman kung ito  ay “unintentional”at “misguided”.

Nauna nang sinabi ni Tumbado na lahat ng operators ay kailangan magbayad sa transport officials ng hanggang P5 milyon kapalit ng prangkisa, special permits at modification ng mga ruta.

Giit ni Poe, ano ang tunay na dahilan at bakit binawi ni Tumbado ang kanyang mga pahayag ay dapat imbestigahan.

Sinabi pa ng Senador na dapat makasuhan ang isang whitleblower kapag walang basehan ang pagbawi ng kanyang pahayag at dapat din tingnan kung mayroong nasa likod nito na nag-uudyok para bawiin ang kanyang mga alegasyon.

“We are not taking it for granted but we won’t tolerate false testimonies,” ayon pa kay Poe.

vuukle comment

GRACE POE

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with