^

Bansa

Mental health ordinances, isinusulong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng suicide lalo na sa mga kabataang Pilipino, nanawagan ang Philippine Mental Health Association (PMHA) sa mga local government units (LGU) na tugu­nan ang mental health sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga mental health ordinance.

Ayon kay PMHA National Executive Director Dr. Carlina Uno-Rayco, bagamat naisabatas noong 2018 ang Philippine Mental Health Law o Republic Act No. 11036  marami pang hamon sa ganap na pagpapatupad ng batas dahil sa kakulangan sa pondo, imprastruktura, at mga lisensyadong mental health professional.

“Magiging katuwang ng Philippine Mental Health Law ang mga ordinansang ito na tutugon sa mga panga­ngailangang lokal, para maiwasan ang mga kaso ng suicide, mas marami ang makapagpatingin, sumailalim sa tamang lunas, at mabawasan ang stigma ng mga may iniindang mental health condition,” ani Uno-Rayco sa kanyang pahayag para sa Mental Health Awareness ngayong Oktubre.

Humigit 3.6 milyong Pilipino ang nakakaranas ng mental, neurological, at substance use disorder na siyang­ nagtutulak sa mental illness bilang isa nang karaniwang kapansanan sa Pilipinas.

Tinukoy din ng PMHA ang ulat ng Department of Education (DepEd) na sa loob ng academic year 2021-2022, 2,147 na mag-aaral sa mga paaralang pampubliko ang nagtangkang mag-suicide, habang 404 naman ang namatay dahil sa suicide. Pagkatapos noon, sunud-sunod nang mga kaso rin ang nabalita sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng Sorsogon, Aklan, at Zamboanga.

“Habang nag-iipon ng sapat na resources ang national government para maipatupad nang buo ang batas, dapat bantayang mabuti ng mga LGU ang kani-kanilang mga nasasakupan, maging handang tumugon anumang oras, at magdagdag ng pondo para sa pagsasa-lokal ng mga serbisyo,” dagdag pa ni Uno-Rayco.

vuukle comment

MENTAL HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with