^

Bansa

Pagdedeklara ni Marcos sa Hulyo bilang Agriculturist Month, pinuri

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagdedeklara ni Marcos sa Hulyo bilang Agriculturist Month, pinuri
ACT-Agri Kaagapay founder Ms. Virginia Rodriguez
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinuri ng grupong ACT-Agri Kaagapay Organization ang hakbang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ideklara ang mga buwan ng Hulyo ng bawat taon, bilang “Philippine Agriculturists’ Month”, sa layuning palakasin ang awareness hinggil sa agriculture center ng bansa.

Ayon kay ACT-Agri-Kaagapay Organization founder na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez, author ng librong “Leave Nobody Hungry”, ang agricultural development ay isa sa maituturing na ‘most powerful tools’ upang tuldukan ang matinding kahirapan, at nagkakaloob sa atin ng pagkain, na pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

“Modernizing the country’s farming and food systems is important to ensure strong food value chains, affordable and nutritious food, and a vibrant rural economy,” she said, adding “we are very fortunate that President Marcos is giving his full support to all the Filipino farmers by declaring July as agricultural month,” ani Rodriguez.

Dagdag pa ni Rodriguez, na apo ng yumaong si da­ting Senator at dating Supreme Court Justice Estanislao Fernandez, ang industriya ng agrikultura ay ikinukonsidera bilang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng hanapbuhay, maging sa pagsasaka man, harvester, technician para sa farm equipment, scientist, at iba pang uri ng employment.

Malaking porsiyento rin ng mga mamamayan ang nabibigyan nito ng hanapbuhay.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with