^

Bansa

450 PDLs, inilipat sa Iwahig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panibagong 450 na ‘persons deprived of li­berty (PDL)’ mula sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) ang nailipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan kahapon.

Dahil dito, may higit nang 1,500 PDLs ang nailipat mula NBP at CIW sa Iwahig at maging sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., kasama ng mga PDL ang 150 jailguards na sumakay sa isang commercial vessel at inaasahang darating ng Palawan ngayong Linggo ng hapon.

Kabilang sa mga PDL ang 396 inmates ng medium-security compound ng NBP, apat mula sa maximum security compound, at 50 mula sa CIW.

Sinabi ni Catapang na ang “Oplan Lipatan” ay hindi lang masosolusyunan ang problema sa sikip ng mga bilangguan, ngunit nailalayo rin sila sa mga iligal na aktibidad sa loob ng mga nabanggit na kulungan.

Bahagi rin ito ng plano na isarado na ang NBP at CIW. May plano ang gobyerno na ga­wing isang commercial hub ang 357-ektaryang lupain ng NBP na tatawaging BuCor Global City and government center.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with