^

Bansa

‘Selfie’ gawing requirement sa SIM registration – Poe

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe na gamiting requirement sa pagpaparehistro ng SIM ang “live selfie”.

Ang rekomendasyon ng senadora ay ginawa kasunod ng pamamayagpag pa rin ng mga scammers sa panloloko sa maraming mga Pilipino.

Dahil dito kaya hini­ling ni Poe sa National Telecommunications Commission (NTC) na maglabas ng mas pinatibay na implementing rules and regulations (IRR) sa SIM Registration Act kung saan isasama rito ang pagkuha ng sariling litrato.

Giit ni Poe, kahit andyan ang SIM Registration Law ay hindi naman nawala ang mga scammers kaya hiling ng senadora, isama ang live selfie sa requirement sa SIM registration.

Nais rin masiguro ng senadora na may sapat na proteksyon sa IRR ang mga subscribers laban sa paglabag sa privacy.

Pinakikilos din ng mambabatas ang mga telecommunications companies na gumawa ng paraan para makasunod din sa selfie requirement ang mga subscribers na mula pa sa malalayong lugar lalo na iyong mga walang access sa internet.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado ay ibinunyag ng NBI- Cybercrime Division na nagawa nilang mag-register ng SIM gamit ang fake ID na may larawan ng isang nakangiting unggoy at nadiskubre rin na ang mga libu-libong SIM cards na nakumpiska sa ilang mga POGO ay pawang pre-registered at naglalaman ng e-wallet na ginagamit sa pang-i-scam.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with