Marcos, US VP Harris nag-usap sa isyu ng South China Sea

Philippine's President Ferdinand Marcos Jr. (L) listens as US Vice President Kamala Harris speaks during the 11th ASEAN-US Summit as part of the 43rd ASEAN Summit in Jakarta on September 6, 2023.
Willy Kurniawan / Pool / AFP

MANILA, Philippines — Nagkaroon na nang pag-uusap sina President Fedinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris sa sidelines ng Association of Southeast Asian Summit and Related Summits na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ang pag-uusap ng dalawang lider ay sumentro umano sa maritime security environment sa South China Sea.

Kasabay nito, nirebyu rin nina Marcos at Harris ang mga oportunidad para mapalakas pa ang bilateral maritime coope­ration gayundin ang economic cooperation.

Siniguro naman ng Pangulo sa 11th ASEAN-US summit ang patuloy na pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ASEAN at Amerika para masiguro na makakamit ang regional peace progress.

Iginiit pa ni Marcos na isang maaasahang kaibigan at kaalyado ng Pilipinas ang Amerika at partner din ng ASEAN ang Estados Unidos sa pagkakamit ng tinatarget na mga mithiin kapwa sa domestic at international fronts.

Kasabay nito, hinika­yat din ng pangulo ang ASEAN members na itaas ang pakikipag partner sa Amerika partikular na sa pagpapaunlad ng connectivity at supply chains sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ASEAN-US Trade and Investment Framework Arrangement at Expanded Economic Engagement Work.

Show comments