Pangulong Marcos nakabantay sa mga Pinoy sa Hawaii wildfires

An aerial image taken on August 10, 2023 shows destroyed homes and buildings on the waterfront burned to the ground in Lahaina in the aftermath of wildfires in western Maui, Hawaii.
AFP / Patrick Fallon

MANILA, Philippines —  Mahigpit umanong binabantayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lagay ng mga Filipino na naapektuhan ng wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Katuwang ni Marcos sa pagbabantay ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW). Inaalam na ng DFA at DMW kung ilang Filipino ang apektado sa sunog.

Nakahanda rin umano ang konsulado ng Pilipinas sa Honolulu na tulungan ang mga apektadong Filipino.

Maari rin silang tumawag sa 24/7 emergency hotline na +1808 253-9446 o sa opisyal na email account ng pamahalaan na honolulu.pcg@dfa.gov.ph.

“Kasalukuyang nakikipag-ugnayan din ang Philippine Consul General sa Hawaii sa mga lokal na awtoridad at Filipino community sa anumang bagong impormasyon patungkol sa insidente,” sabi ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ng DFA na 50 Pinoy teachers sa Hawaii ang nakaligtas sa sunog at inaalagaan sa isang shelter ng Hawaii at US government.

Show comments