^

Bansa

25 na patay kay ‘Egay’, 2.3 milyong katao apektado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa bagyong Egay kung saan pumalo na ito sa 25 habang nasa 2.3 milyong indibiduwal naman ang apektado sa pananalasa nito sa bansa.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 52 katao pa ang sinasabing sugatan habang 23 ang nawawala kabilang ang apat na Philippine Coast Guard personnel sa lumubog na bangka noong nakaraang linggo sa Abulug, Cagayan.

Ayon naman kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Ariel Nepomuceno, ang apat na tauhan ng PCG ay sumaklolo sa ilang residente sa mga sinalanta ni Egay nang mangyari ang paglubog ng kanilang aluminum boat.

Samantala, umaabot na sa 2.3 milyon o 654,837 pamilya mula sa 13 rehiyon sa bansa ang apektado ni Egay.

“Malaki po ang na­ging pinsala po sa atin ng Bagyong Egay dahil buong Pilipinas po halos eh, mula Ilocos Norte hanggang BARMM,” ani Nepomuceno.

Nasa 312,000 residente naman ang lumikas sa 737 evacuation centers sa kasagsagan ng bagyo.

Bagamat may ilang pamilya na rin ang bumalik sa kanilang tahanan, pinili rin ng ibang residente na manatili sa evacuation centers dahil sa mga pabugsu-bugsong pag-ulan dulot ng hanging habagat at bagyong Falcon.

Pumalo naman sa P5.4 bilyon ang sinira ng bagyong Egay, P3.5 bilyon sa infrastructure at P1.9 bil­yon sa agrikultura.

vuukle comment

EGAY

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with