Bagyong 'Dodong' nag-landfall sa Isabela; 12 lugar inilagay sa Signal no. 1
MANILA, Philippines — Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa ilang bahagi ng Luzon matapos sumalpok ang bagyong "Dodong" sa Dinapigue, Isabela ngayong Biyernes ng madaling araw.
Bandang 7 a.m. nang mamataan ang sentro ng Tropical Depression Dodong sa kalugaran ng Lasam, Cagayan, banggit ng PAGASA sa isang pahayag kanina.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Direksyon: kanluran hilagangkanluran
- Pagkilos: 15 kilometro kada oras
"Dodong is forecast to cross the rugged landmass of Northern Luzon today," paliwanag pa ng PAGASA.
"Although not captured in the track forecast, the tropical depression may initially track northwestward or north northwestward over Cagayan Valley for the next 6 hours before turning more west northwestward or westward and emerging over the waters west of Ilocos Region."
Nangyayari ang lahat ng ito kahit na sinabi lang ng state weather bureau na mababa ang tiyansang maging ganap na bagyo ang dating low pressure area.
Nakikitang magdadala ng 50-100 millimeter na mga pag-ulan tuloy sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan at hilagang bahagi ng Aurora ngayong araw.
Signal no. 1 sa Luzon
Samantala, itinaas naman ang TCWS no. 1 sa ilang bahagi ng Pilipinas dulot ng bagyo. Ilan na riyan ang sumusunod na lugar:
- Cagayan
- Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda)
"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days," dagdag pa nila.
"Minimal to minor impacts from strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are also possible within any of the areas where Wind Signal No.1 is currently in effect."
Habagat posible magpalakas ng hangin
Maaari ring pagdala ng malalakas na hangin ang hanging Habagat wsa ilang lugar lalo na sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar mamaya gaya ng:
- MIMAROPA
- Bicol Region
- Western Visayas
- CALABARZON
- Metro Manila
- iba pang bahagi ng Central Luzon na walang wind signal
Posibleng kumilos ang bagyo pahilagangkanluran sa West Philippine Sea at makalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Sabado o Linggo.
Bagama't nakikitang mananatili itong nasa tropical depression cagetgory, may tiyansang lumakas pa ito at maging tropical storm pagsapit ng bukas o sa Linggo habang papalabas ito ng PAR.
- Latest