^

Bansa

Kuwait nagmatigas sa pagsuspinde ng visa para sa mga Pinoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagmatigas ang Kuwait sa pagsuspinde ng lahat ng bagong visa para sa mga mamamayan ng Pilipinas at walang katiyakan kung magbabago pa ang desisyon.

Ang suspensiyon ay may kaugnayan pa rin sa paggigiit ng gobyerno ng Pilipinas na mabigyan ng proteksiyon ang mga OFWs sa nasabing bansa.

Ayon sa ulat, ang mga mamamayan ng Pilipinas ay bumubuo sa humigit-kumulang 6% ng 4.7 milyong populasyon ng Kuwait samantalang ang mga Kuwaiti ay bumubuo ng 32%.

Noong Pebrero ay inihinto ng Pilipinas ang deployment ng mga domestic workers sa Kuwait matapos matagpuan ang bangkay ng domestic worker na si Jullebee Ranara sa Kuwaiti desert noong Enero.

Maraming Filipino na nagtatrabaho sa Kuwait bilang mga domestic workers ay nakatali sa kanilang mga employers dahil kinukuha ang kanilang pasaporte.

Napaulat na sinabi ng interior ministry nitong Miyerkules na nilabag ng Pilipinas ang isang bilateral labor agreement. Ang dalawang bansa ay lumagda sa isang kasunduan noong 2018 kasunod ng ilang beses na paggiit tungkol sa proteksiyon ng mga manggagawa dahil sa ilang pagkamatay ng domestic worker.

Kasama sa mga nakalistang paglabag ang pagkupkop sa mga manggagawa sa mga shelters, paghahanap ng mga tumakas na mga manggagawa nang hindi isinasali ang mga state instituions, pag-pressure sa mga Kuwaiti employers na magdagdag ng clauses sa mga employment contracts.

Kamakalawa ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy ang pakikipag-usap ng gobyerno para mabalik ang pagbibigay ng visa sa mga manggagawang Filipino na nais magtrabaho sa Kuwait.

“We will continue to consult with them at baka sakali, down the road ay magbago ang sitwasyon, maibalik ngayon ang ating mga manggagawa, lalo na ‘yung mga nabitin,” ani Marcos.

vuukle comment

KUWAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with