Super typhoon 'Mawar' tumindi, kumikilos pakanluran sa Philippine Sea
MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas pa ang supertyphoon Mawar (international name) bago ang tinatayang pagpasok nito sa Philippine area of responsibility ngayong Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga — panahon kung kailan "Betty" na ang itatawag dito.
Bandang 10 a.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 1,705 kilometro silangan ng Timogsilangang Luzon (labas ng PAR), ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong araw.
- Lakas ng hangin: 215 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 260 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Pagkilos: 20 kilometro kada oras
"Super Typhoon MAWAR is forecast to track generally west northwestward until Sunday while accelerating before turning northwestward on Sunday," wika ng state weather bureau kanina.
"On the track forecast, the super typhoon will enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) tonight or tomorrow early morning."
Samantala, nnakikitang babagal ito sa Linggo sa paglapit nito sa katubigan ng Extreme Northern Luzon.
Tinatayang lalapit sa 250 kilometro mula sa Batanes-Babuyan archipelago ang mata ng bagyong "Mawar" pagpasok ng susunod na linggo hhabang nasa slowdown period ito.
"MAWAR is forecast to reach its peak intensity within 24 hours. The super typhoon may slightly weaken by tomorrow evening but is expected to remain as a super typhoon until Monday morning due to highly favorable environment," patuloy pa ng PAGASA.
Malalakas na pag-ulan, Habagat palalakasin
Sa kasalukuyang forecast scenario, maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan sa Northern Luzon simula Linggo o Lunes. Posibleng magdulot 'yan ng mga pagbaha at ilang rain-induced landslides.
Tinatayang palalakasin din ng bagyong "Mawar" ang Habagat na maaaring magdala ng monsoon rains sa kanlurang kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas simula Linggo o Lunes.
- Latest