^

Bansa

Gobyerno ‘di sumusuko sa kaso ni Veloso

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na ipaglalaban ng gobyerno ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang OFW na nahatulan ng parusang bitay dahil sa kaso ng illegal na droga sa Indonesia.

Ayon kay Marcos, patuloy na hinihiling ng kanyang administrasyon sa gobyerno ng Indonesia na mabigyan ng executive clemency si Veloso.

“Well, ganoon pa rin. We haven’t really stopped. Ganito this is the impasse, okay. The impasse is that we continue to ask for a commutation or even a pardon or just an extradition back to the Philippines. And that is constantly there,” pahayag ng Pangulo sa panayam ng media sa 42nd ASEAN Summit at Related Summits sa Indonesia.

“But the Indonesians answered us that this is the law. Ito ‘yung batas dito sa Indonesia kaya’t kailangan natin ipagpatupad ‘yan. And they have already given us postponement … but that doesn’t mean it’s done,” dagdag ng Pangulo.

Inihayag din ni Marcos na ipinarating ng gobyerno na naiintindihan nito ng batas ng Indonesia pero umaasa pa rin siya na maiuuwi si Veloso sa bansa.

“We said, yes, we understand that she is convicted. We understand that the law in Indonesia is that way. But nonetheless, baka makahanap tayo ng paraan. Iuwi na lang namin ‘yan. Kami na magpaparusa sa kanya, whatever. Basta’t anyway to ask for clemency, to ask for grace when it comes to this,” ani Marcos.

Hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Indonesia noong Setyembre 6, 2022 na patawarin si Veloso na naaresto sa Yogyakarta noong 2010 matapos itong magdala ng maleta na may laman na mahigit 2.6 kilo ng heroin, at hinatulan ng kamatayan sa parehong taon.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

MARY JANE VELOSO

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with