^

Bansa

West extension project, target matapos ng LRTA sa 2026

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na makumpleto na ang kanilang west extension project para sa LRT-2 sa taong 2026.

Sa isang televised briefing, sinabi ni LRTA administrator Hernando Cabrera na hinihintay na lamang nila sa ngayon na maaprubahan ang budget para sa naturang 3-kilo­meter extension project, na naglalayong magdagdag pa ng tatlong istasyon ng tren sa Maynila.

“The moment na maibigay sa atin yung tinatawag natin na multi-year obligational authority, ipapa-bid natin agad ito kasi tapos na lahat ang plano na ito, mayroon tayong consultant dito at talagang ang hinihintay natin ay ang papeles ng ating budget,” ayon pa kay Cabrera.?Sa isang transmittal letter, nabatid na ang proyekto ay may kabuuang halaga na P10.1 bilyon hanggang noong Setyembre 2020.

Layunin rin ng extension project na makapagtayo pa ng mga istasyon sa Tutuban (kasunod ng Cluster Mall), Divisoria (kanluran ng Recto Avenue) at Pier 4.

Ipinaliwanag ni Cabrera na ang mga naturang lokasyon ay pinili upang maisakay ang mga commuters na gumagamit ng ‘inter-island ferries.’

“Kung maumpisahan natin ang construction this 2023, give us 3 years, mga 2026 matatapos natin yan, magiging operational yan, depende kung mabigyan tayo ng pondo,” aniya pa.

Anang LRTA, sa sanda­ling matapos na ang proyekto, aabutin na lamang ng limang minuto ang biyahe ng mga commuters mula Recto Station hanggang Pier 4, habang ang travel time naman mula sa Masinag hanggang Pier 4 ay hindi lalampas ng isang oras.

Inaasahang makaka­tulong rin ang proyekto upang makapagdagdag ng 16,000 pang LRT-2 passengers sa kasaluku­yang 240,000 pasaherong naisasakay nito araw-araw.

vuukle comment

LRTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with