^

Bansa

2 patay, 20 sugatan sa karambola ng 15 sasakyan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 20 sugatan sa karambola ng 15 sasakyan
Kinilala ni Col. Randy­ Glenn Silvio, Laguna police director, ang dalawang nasawi na sina Julia Ann Riñon alias “Jollie” at Princess Sarah Gabatino Abella, kapwa pasahero ng tricycle. Sila ay namatay habang dinadala sa ospital habang ang mga sugatan ay dinala sa iba’t ibang pagamutan para sa karampatang lunas­ kabilang ang apat na sina­sabing nasa malubhang kalagayan kasama ang isang Princess Sarah Abella.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay ha­bang 20 pa ang sugatan matapos ang karambola ng 15 sasakyan dahil sa mixer truck na nawalan ng preno sa national highway ng Brgy. Real sa Calamba City, Laguna noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Col. Randy­ Glenn Silvio, Laguna police director, ang dalawang nasawi na sina Julia Ann Riñon alias “Jollie” at Princess Sarah Gabatino Abella, kapwa pasahero ng tricycle. Sila ay namatay habang dinadala sa ospital habang ang mga sugatan ay dinala sa iba’t ibang pagamutan para sa karampatang lunas­ kabilang ang apat na sina­sabing nasa malubhang kalagayan kasama ang isang Princess Sarah Abella.

Sinabi naman ni Retired police Col. Boy Masongsong, head ng City Public Order and Satefy Office, ang mixer truck na minamaneho ni Denis Lozada Barientos ay bumabagtas patungong Calamba pro­per mula sa Batangas nang bigla umanong mawalan ng preno pagsapit nito sa Brgy, Real dakong alas-4 ng hapon kamakalawa.

Bunsod nito, nawalan umano ng kontrol ang na­turang driver sa manibela at sumalpok ang minamanehong truck sa isang kotse at iba pang sasakyan na naging sanhi ng karambola.

Limang ambulansya ang mabilis na rumesponde at tu­mulong sa mga biktima­ ha­bang inayos ng mga POSO personnel na unang duma­ting sa lugar ang tra­piko na inabot ng dalawang oras.

Agad inaresto ang dri­ver ng mixer truck na naha­harap ngayon sa patung-patong na kasong reckless imprudence resulting in mul­­tiple homicide, multiple phy­­­sical injuries at multiple da­mage to properties.

vuukle comment

SASAKYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with