^

Bansa

Total deployment ban sa Kuwait, giit ni Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Total deployment ban sa Kuwait, giit ni Tulfo
Ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara nang dumating sa bansa, kamakalawa ng gabi. Kabilang si Sen. Raffy Tulfo sa sumalubong. Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Raffy Tulfo na magpatupad ang ­gobyerno ng total deployment ban sa Kuwait matapos ang pagpatay doon sa OFW na si Jullebee Ranara.

Iginiit ni Tulfo, chairman ng Senate Committee on Migrant Workers na dapat unahin ang pagpapatupad ng deployment ban bago magsagawa ng bilateral talks.

“After the deployment ban, we can sit down with them sa bilateral talks. Pero on our terms. Meron tayong mga conditions na ibibigay sa kanila kung gusto ng ating OFWs,” ani Tulfo.

Kabilang si Tulfo sa sumalubong sa mga labi ni Ranara na natagpuang patay noong weekend na sunog ang katawan, sa isang disyerto. Inaresto na ng mga awtoridad sa Kuwait ang anak ng amo ni Ranara.

“You want to talk to us, total deployment ban. ‘Pag may pinanghawakan tayo, ‘pag na-issue, then let’s talk on our terms,” ani Tulfo.

Aminado si Tulfo na maaapektuhan ang mga overseas Filipino workers na pabalik sa Kuwait sa sandaling matuloy ang total deployment ban pero hindi dapat mabalewala ang kaligtasan ng mga Filipinos sa nasabing bansa.

“Maapektuhan ‘yung OFWs na pauwi, na baka ‘di makabalik. Pero isipin natin na paulit-ulit nila ginagawa ‘to. Of course, there should be a compromise, alang-alang sa kababayan natin. Marami tayo kababayan na inabuso at pinatay at kababuyan na ginawa pa ng employers,”  ani Tulfo.

Hindi aniya dapat maging malambot ang gobyerno sa nasabing isyu lalo pa’t kailangan ng Kuwait ang mga OFWs.

“Hindi tayo pwede maglambot-lambot dito. I don’t want to show weakness. We need to show strength. Ginago mo kami at may balik. Ang balik, total deployment ban. Kasi they need us. Kailangan nila tayo. Itong Kuwait government, agad-agad nakipag-usap tayo, ano pwede gawin nila to appease us,” dagdag ni Tulfo.

Sinabi rin ng senador na dapat mag-demand ng public apology ang Pilipinas sa gobyerno ng Kuwait.

Naniniwala si Tulfo na hindi sapat ang paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima.

“Sa ngayon, nag-apologize through a letter sa family and nag-issue ng condolences... Pero kulang ‘yan. Public apology para sa mga Pilipino. They should issue that statement. Alanganin daw ‘ata, pero titingnan. Sabi ko, failure to do so, mag-deployment ban talaga,” ani Tulfo.

Inirekomenda rin ni Tulfo ang mas mahigpit na proseso ng screening para sa mga employers.

“Bago ma-deploy ang ating OFW sa mga bansa tulad ng Kuwait, katakot-takot ang mga ginagawa. Police clearance, NBI clearance. Pero sa employer, walang guarantee na itong employer ay malinis at matino. Mentally stable sila dapat. Mga employer, well-screened din,” ani Tulfo.

Dapat aniyang magpakita ng patunay na malinis ang record ng employers.

“May police record. Gusto ko rin mag-suggest, lahat ng employers sa high-risk country, may document sa neuro psychiatric exam,” dagdag ni Tulfo.

Idinagdag ni Tulfo na dapat ding paigtingin ng mga recruitment agencies ang kanilang monitoring upang matiyak na palaging ligtas ang mga naka-deploy na mga OFWs.

 

 

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with