^

Bansa

Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%
Philippine Health Insurance Corporation office.
PhilHealth FB Page

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ­ceiling na P80,000 para sa CY 2023.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin sanang 4.5%, gayundin ang pagtataas ng income ceiling ng mula P80,000 hanggang P90,000.

Sinabi ni Acting PCEO Emmanuel Ledesma, Jr., nakatakdang magpalabas ang PhilHealth ng hiwalay na advisory hinggil rito, kung saan isasaad ang mga gabay na mag-iimplementa ng naturang direktiba, partikular na para sa mga direct contributors.

Tiniyak ni Ledesma na tuloy pa rin ang rollout ng bagong benefit packages, na dapat sana ay kukuhanin mula sa premium increase, tulad ng nakaplano.

Kabilang aniya dito ang Outpatient Therapeutic Care para sa Severe Acute Malnutrition, Outpatient Package para sa Mental Health, Comprehensive Outpatient Benefit, at iba pa.

Inatasan na aniya ang pamunuan upang magpatupad ng mga kinakailangang istratehiya upang matiyak ang implementasyon ng mga naturang benepisyo.

Siniguro rin naman ng PhilHealth sa publiko na ang mga kasalukuyang benepisyo na ini-enjoy ng kanilang mga miyembro ay hindi maaapektuhan ng nasabing suspensiyon.

 

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with