^

Bansa

‘Scorecard’ sa mga proyekto ng gobyerno, inirekomenda

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Senator Alan Peter Cayetano sa Senado partikular sa Oversight Committee na bumuo ng isang ‘scorecard’ para masubaybayan ang mga pagbabago sa mga ipinagagawang proyekto ng gobyerno.

Hirit ni Cayetano sa mga kasamahang mambabatas na maging ‘proactive’ sa pagbabantay ng mga proyekto sa ilalim ng 2023 national budget na ipapatupad sa susunod na taon.

Ito umano ay dapat na may ‘five-year plan’ upang mas epektibong mabantayan ang mga pagbabago sa mga malalaking programa ng gobyerno.

Ang ‘five-year plan’ na gagamiting batayan para sa pagmonitor sa mga proyekto ng pamahalaan ay maaaring gamitin para sa pagba­langkas ng public spen­ding sa mga deklaradong polisiya at mga prayoridad na itatayong imprastraktura.

Sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang publiko na mapanagot ang pamahalaan sa mga proyekto at budget prio­rities na ipinangakong gagawin sa loob ng termino ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ni Caye­tano, ang administrasyon ang magbibigay ng criteria kung ilang taon dapat matapos ang mga proyekto na siyang susubaybayan naman ng Kongreso.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with