^

Bansa

Ex-officials ni Duterte ipapatawag sa Senado sa biniling COVID-19 vaccines

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ex-officials ni Duterte ipapatawag sa Senado sa biniling COVID-19 vaccines
File photo shows Sen. Francis Tolentino.
The STAR / Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Pagpapaliwanagin sa Senado ang mga dating opisyal ng Duterte administration para sa ikakasang imbestigasyon kaugnay sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Batay sa direktiba ni Senator Francis Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ipapatawag sa pagdinig sina dating Health Secretary Francisco Duque III, dating Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at dating Finance Secretary Carlos Dominguez.

Pinadalhan na rin sila ng imbitasyon para humarap sa imbestigasyon ng Senado sa mga biniling bakuna sa ilalim ng non-disclosure agreement (NDA) sa mga vaccine supplier, at ang pagtanggi ng DOH na ilabas ang detalye ng kontrata sa ginawang pagbili ng COVID-19 vaccines.

Kasama rin sa pinadadalo sa pagdinig ang kasalukuyang OIC ng Department of Health (DOH) na si Usec. Maria Rosario Vergeire gayundin ang Commission on Audit (COA).

Sa December 14 itinakda ang unang pagdinig.

Matatandaang nang sumalang sa Commission on Appointments (CA) si COA Chairman Gamaliel Cordoba, sinabi nito na humiling na ng ‘special audit’ ang Asian Development Bank (ADB) at World Bank dahil ang mga ito ang nagpautang sa bansa para makabili ng bakuna.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with