^

Bansa

P150 milyong confidential fund ng DepEd, P10-B ng NTF-ELCAC ibinalik sa 2023 budget

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinalik ng Bicameral conference (Bicam) committee ang P150 million confidential fund ng Department of Education (DepEd) at ang P10 billion na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng 2023 budget.

Ito ang sinabi ni Senate Finance Committee chairman Senador Sonny Angara, matapos na aprubahan ang consolidated version ng P5.268 trillion 2023 national budget sa Bicam.

Ayon kay Angara, nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ibalik ang mga tinapyas na pondo sa confidential fund ng DepEd at ang 2023 budget ng NTF-ELCAC.

Matatandaang bago sumalang sa bicam ang 2023 budget ay binawasan ng P120 million ang P150 million na pondo sa confidential fund ng DepEd habang ibinaba sa P5 billion naman ang orihinal na P10 billion na pondo ng NTF-ELCAC.

Paliwanag ng Senador na kailangan ng DepEd ang pondo para sa confidential fund at nirerespeto naman ito ng Senado.

Sinabi naman ni Appropriations Committee Chairman Cong. Elizaldy Co, ang desisyon na ibalik ang pondo sa confidential fund ng DepEd ay para matigil na ang pagre-recruit na ginagawa ng mga rebeldeng grupo sa mga kabataan papunta sa maling landas at upang matiyak na rin ang magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.

Nilinaw pa ng senador na ibinalik lang ang ibinawas na pondo sa NTF-ELCAC at mayroon namang source na mapagkukunan dito at hindi ito hinugot sa ibang mga ahensya.

Tiniyak naman ng mga mambabatas na oobligahin ng Commission on Audit (COA) ang pagsusumite ng report ng mga nabanggit na ahensya para malaman kung papaano at saan ginastos ang mga nabanggit na pondo. — Joy Cantos

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with