^

Bansa

P5.2 bilyong cash ayuda sa 9.8 milyong mahirap na benepisyaryo, inilabas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P5.2 bilyong cash ayuda sa 9.8 milyong mahirap na benepisyaryo, inilabas
Sa ilalim ng TCT Program, P500 kada buwan ang matatanggap ng bawat beneficiary na tatagal ng hanggang anim na buwan.
Philstar.com, file

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang may P5.2 bilyon para sa may 9.8 milyong mahihirap na benepisyaryo ng Targeted Cash Transfer Program.

Ito’y matapos aprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na aabot sa  P5.2 billion para sa Department of Social Welfare Development (DSWD).

Ang nasabing halaga ay para sa ikatlong tranche ng Targeted Cash Transfer Program na kung saan, ma­kiki­nabang dito ang nasa 9.8 million identified beneficiaries.

Sa ilalim ng TCT Program, P500 kada buwan ang matatanggap ng bawat beneficiary na tatagal ng hanggang anim na buwan.

Kaugnay nitoy sinabi ni Pangandaman na mahigpit ang bilin mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag pabayaan ang mga nanga­ngailangan at gagawin ng pamahalaan ang lahat upang patuloy na makatanggap ng naturang benepisyo ang mga karapat-dapat na makatanggap nito.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with