^

Bansa

Subpoena ilalabas vs suspendinong BuCor chief 'ngayong araw' dahil sa Lapid murder

Philstar.com
Subpoena ilalabas vs suspendinong BuCor chief 'ngayong araw' dahil sa Lapid murder
Suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag.
The STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines — Posibleng maglabas na ng kautusan ang panel ng Department of Justice para paharapin sa mga alegasyon laban sa kanya ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag kaugnay ng pagkamatay ng radio broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ni Prosecutor General Benedictor Malcontento, Lunes, matapos hainan ng reklamong "murder" sina Bantag kasama ang iba pa.

"Consolidated na 'yung tatlong kaso. And in all likelihood... today maglalabas siya [DOJ] ng subpoena," ani Malcontento kanina sa media.

"The next step is for the panel to issue a subpoena to hold the other respondents."

Matapos maglabas ang subpoena, gugulong na ang preliminary investigation sa reklamong inihain laban kina Bantag. Dito, mabibigyan sila ng pagkakataong mag-submit depensa sa pamamagitan ng counter-affidavits.

Linggo lang nang sabihin ni Bantag na wala siyang planong sumuko sa otoridad hangga't walang inilalabas na warrant of arrest o subpoena laban sa kanya.

Matatandaang sinuspindi si Bantag nitong Oktubre matapos mamatay ang isa sa mga itinuturong "middleman" sa pagpatay kay Lapid habang nasa loob ng New Bilibid Prison.

"I do not have a warrant of arrest yet, no subpoena or preliminary investigation. So, why are they seemingly rushing me? If I am a bird, it seems they want me caged," sabi ni Bantag kahapon sa panayam ng dzRH.

Isa si Bantag sa 160 "persons of interest" sa pagkamatay ni Lapid (Percival Mabasa sa totoong buhay), na kilalang kritiko ng administrasyon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang sumuko ang gunman sa pagkamatay ni Lapid na siyang binayaran daw ng P550,000 kasama ang iba pa para itumba ang komentarista.

Kumikilos na rin ang Department of Justice para makakuha ng precautionary hold departure order laban kay Bantag dahil sa reklamo ng pagpatay.

Si Mabasa ang ikalawang media worker na pinatay sa ilalim ni Marcos Jr. Kaugnay nito, napanatili ng Pilipinas ang pagiging "top 7" sa 2022 Global Impunity Index ng Community to Protect Journalists.

Naniniwala si Bongbong na "nagtayo" ng sariling kaharian (fiefdom) ang suspendidong hepe ng BuCor sa loob ng Bilibid habang nangyayari ang lahat ng ito. — may mga ulat mula sa ONE News

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GERALD BANTAG

MEDIA KILLINGS

PERCY LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with