29 kaso ng vote-buying umusad sa Comelec

“Meron tayong 29 kaso na naka-pending sa Law Department. Meron anim na kaso sa iba’t ibang korte,” ayon kay Chairman George Garcia kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mula sa higit 1 libong reklamong unang natanggap ng Commission on Elections (Comelec), nasa 29 kaso ng vote-buying lamang ang umusad at kasalukuyang hawak ng kanilang Law Department.

“Meron tayong 29 kaso na naka-pending sa Law Department. Meron anim na kaso sa iba’t ibang korte,” ayon kay Chairman George Garcia kahapon.

Ikinatwiran niya na mula sa libong mga ­reklamong iniakyat sa kanila na karamihan ay sa social media, karamihan ay walang sapat na ebidensya at walang pormal na kasong inihain.

“Walang tamang complainant na pipirma sa formal complaint. Kailangan mas maging magaan sa prosekusyon ang pagpiprisinta ng ebidensya,” dagdag pa ni Garcia.

?Sa 29 na kaso, meron umanong isang national candidate, isang provincial governor, habang isang gobernador at isang city mayor na ang diniskuwalipika dahil sa paggamit ng kaban ng bayan sa panahon ng kampanya.

Kasunod nito ang panawagan ni Garcia sa Kongreso na amyendahan na ang batas sa vote buying na noong 1985 pa nalikha dahil sa maraming pangyayari tulad ng paggamit ngayon ng teknolohiya at social media sa pamimili ng boto na hindi sakop ng batas.

Show comments