Publiko binalaan vs scammers na nagpapanggap na DBM chief
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko laban sa mga scammers na nagpapanggap na sila si Secretary Amenah Pangandaman.
Sa isang press statement, itinanggi ng DBM ang Facebook account holder na si “Aminah F. Pangandaman” na nangako na magpapadali ng mga transaksyon sa DBM.
Sinabi ng DBM na mapanlinlang ang mga transaksyong ginawa kasama ng impostor sa Facebook.
“This is to warn the public against transacting with the Facebook account Aminah F. Pangandaman. The said account entices the public with a promise of financial assistance to be paid through [virtual wallet] GCash, then asks for the personal pin (personal identification number) to be able to access the public’s account,” anang DBM.
Hinimok ng DBM ang publiko na maging mas mapagmatyag at hindi dapat pahintulutan ang sinumang tao o grupo na manghingi ng pera upang mapadali ang mga transaksyon.
Kinondena rin ng DBM ang mga mapanlinlang na aktibidad at nagpahayag na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad upang imbestigahan at matukoy sa lalong madaling panahon, ang mga nasa likod ng scam.
Hinikayat din ng DBM ang publiko na i-report ang mga katulad na kaso at iba pang mga ilegal na aktibidad sa pamamagitan ng pagtawag sa (02) 865-7-3300.
Tiniyak nito na ang lahat ng impormasyon na iuulat ng mga tipsters ay ituturing na confidential.
Nauna nang nagbabala ang DBM sa publiko laban sa mga pekeng solicitation activities ng mga taong nagpapanggap bilang mga tauhan ng ahensya. z
- Latest