^

Bansa

Kawalan ng ambisyon ng mga kabataang Pinoy, bubusisiin ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabubusisi ni Senador Sonny Angara ang mga ulat na nawawalan na ng ambisyon sa buhay ang karamihan ng mga kabataang Filipino.

Sa inihaing Senate Resolution no. 226 ni Angara, layon nito na tututukan ang usapin ng kawalan ng mga pisikal na aktibidad at ambisyon ng mga kabataan.

Matatandaan na naglabas ng pag-aaral ang World Health Organization (WHO) noong 2019 na apat sa lima, o 81% ng mga Pinoy edad 11 hanggang 17 ay wala ng mga physical activities.

Giit ng senador, ang Pilipinas ang isa sa nangunguna sa listahan kaya nakakaalarma ito na dapat na agad aksyunan at tugunan ang naturang problema.

Paliwanag pa ni Angara na base rin sa pag-aaral ng The Dream Project PH, na walo sa 10 Filipino teenagers ay wala nang ambisyon o pangarap sa buhay sa mga dahilan na kawalan ng oras na mapag-usapan ang ambisyon o pangarap ng isang bata.

Gayundin ang kawalan ng role model ng mga kabataan, limitadong motibasyon mula sa komunidad, limitadong pagkakataon upang makapag-aral at kahirapan sa buhay.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with