^

Bansa

Storm signal, itinaas sa bagyong Karding

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Storm signal, itinaas sa bagyong Karding
Huling namataan ng PAGASA si Karding alas-11 ng umaga kahapon sa layong 660 kilometro silangan timog silangan ng Tuguegarao City, Cagayan Cagayan o 595 km silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25 km bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isa na ngayong severe tropical storm ang bagyong Karding habang kumikilos sa kanluran timog kanlurang bahagi ng bansa.

Huling namataan ng PAGASA si Karding alas-11 ng umaga kahapon sa layong 660 kilometro silangan timog silangan ng Tuguegarao City, Cagayan Cagayan o 595 km silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25 km bawat oras.

Taglay ni Karding ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 kph at pagbugso na aabot sa 125 kph.

Dulot nito, nakataas ang Signal number 2 sa southeastern portion ng Isabela (Dinapigue), northern portion ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag), at Pollilo Islands.

Nakataas naman ang Signal number 1 sa southern portion ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya,  southern portion ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet,  southern portion ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, northern at central portions ng Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, northern portion ng Batangas, Camarines Norte, northern at eastern portions ng Camarines Sur, northern portion ng Catanduanes gayundin sa Metro Manila.

Inaasahan na magla-landfall ngayong umaga o sa hapon si Karding. Makaraan nito ay babagtasin niya ang Central o Northern Luzon at saka tutungo sa West Philippine Sea Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with