^

Bansa

Paalis na OFWs ‘di na kailangang magsuot ng PPEs

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Paalis na OFWs âdi na kailangang magsuot ng PPEs
Nagpalabas na rin ng Advisory si POEA officer-in-charge Bernard P. Olalia na nagpapaalala sa lahat ng recruitment agencies na ihinto na ang pagpapasuot ng PPEs bilang requirement sa pagbiyahe.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan pang magsuot ng Personal Protective Equipment (PPE) ang mga OFW sa kanilang pag-alis sa mga paliparan sa bansa, batay sa naging kautusan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

Sinabi ni Ople na ang pagsusuot ng PPEs ay hindi pinahihintulot ng DMW at POEA.

Sinang-ayunan ni Ople ang sentimyento ni Sen. Pia Cayetano at ng iba pang mambabatas na ang PPE requirement para sa mga umaalis na OFW ay “outdated, misguided at oppressive.”

Nagpalabas na rin ng Advisory si POEA officer-in-charge Bernard P. Olalia na nagpapaalala sa lahat ng recruitment agencies na ihinto na ang pagpapasuot ng PPEs bilang requirement sa pagbiyahe.

Gayunman, may ilang kumpanya na nangangaila­ngan ng pagsusuot ng mga PPE at masks para sa mga Filipino, tulad ng sa mga patungo sa Japan at isang barko ng China na nag-aatas sa kanilang local manning agency na suplayan ng PPEs ang sumasakay na Filipino crews upang hindi mahawaan sa kanilang paglalayag, na ang  gastusin sa PPE ay binabalikat ng kanilang employer.

Subalit nanindigan ang DMW na hindi na dapat i-require ang PPEs sa OFWs sa kanilang pag-alis.

Paliwanag ni Ople, sapat nang proteksyon ang pagkakaroon ng bakuna at booster shots at pagsusuot ng face masks sa OFWs.

Anya, ang ibang bansa tulad ng Amerika ay maluwag na ang health protocols sa mga travelers kabilang ang OFWs at iba pang dayuhang manggagawa.

Ang airlines sa US ay vaccination certificates na lang ang hinihingi bago pumasok sa mga border.

Sa Taiwan, maluwag na rin ang health protocols at ‘di na rin nagpapatupad ng pagsusuot ng PPEs at pinaikli na rin ang quarantine period.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with