^

Bansa

2 kaso pa ng monkeypox sa Pinas, natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 kaso pa ng monkeypox sa Pinas, natukoy
This undated electron microscopic (EM) handout image provided by the Centers for Disease Control and Prevention depicts a monkeypox virion, obtained from a clinical sample associated with the 2003 prairie dog outbreak. It was a thin section image from a human skin sample. On the left were mature, oval-shaped virus particles, and on the right were the crescents, and spherical particles of immature virions.
Cynthia S. Goldsmith / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

MANILA, Philippines — Dalawa pang bagong kaso ng monkeypox sa bansa ang kinumpirma ng Department of Health (DOH), base sa resulta ng PCR tests ng mga pasyente.

Dahil dito, sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na tatlo na ang kabuuang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Ang isa sa bagong kaso ay 34-anyos na may history ng pagbiyahe sa mga bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Lumabas ang positibong resulta ng PCR test ng pasyente nitong ­Agosto 18. Siya ngayon ay nasa ilalim na ng home isolation habang patuloy ang tracing sa mga nakasalamuha niya.

Ang isa pang ­pasyente ay 29-anyos na bumiyahe rin sa mga bansang positibo sa virus.

Ang kanyang PCR test ay lumabas nitong Agosto 19 at nananatili na siya sa isolation ­facility. Natukoy naman agad ang 17 indibiduwal na kaniyang naging close contacts.

“We are verifying the current health and quarantine status of the close contacts,” saad ni Vergeire.

Na-detect ang ­unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas noong ­Hulyo 29. Ang pasyente ay isang 31-anyos na Pinoy na dumating sa bansa noong Hulyo 19. Napag-alaman na siya ay bumiyahe sa mga bansa na may mga dokumentadong kaso ng monkeypox.

Nakarekober na ang nasabing pasyente at ang 10 close contacts nito ay hindi naman nagpakita ng mga sintomas hanggang sa matapos ang kanilang isolation noong Agosto16.

MONKEYFOX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with