^

Bansa

Enrollment, walang extension

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Enrollment, walang extension
Nagboluntaryo ang mga miyembro ng Philippine Air Force at PNP at tumulong sa pagpintura ng mga upuan ng mga magbabalik-eskwela na mga mag-aaral sa Sen. Benigno Aquino Elementary School sa Maynila, kahapon.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Education (DepEd) kahapon na hindi pa napag-uusapan ng kagawaran ang pagpapalawig o ekstensiyon ng enrollment period para sa School Year 2022-2023.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, sa ngayon ay nananatili pa ring Agosto 22, ang deadline ng pagpapatala para sa pasukan.

Hinikayat din naman ni Poa ang mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak at huwag nang hintayin pa ang deadline.

“Sa ngayon po, wala pa po tayong extension na napag-uusapan. Sa ngayon, hanggang August 22 and deadline ng enrollment natin,” dagdag pa niya.

Samantala, iniulat din naman ni Poa na hanggang alas-7 ng Agosto 16, ay umaabot na sa 21,272,820 mag-aaral ang nag-enroll para sa pasukan.

Ang naturang bilang ay kapos pa ng may pitong milyon mula sa target ng DepEd na 28.6 milyong mag-aaral.

Sa kabuuang bilang ng enrollees, 18,722,393 ang nagpa-enroll sa public schools; 2,478,488 sa private schools, 71,939 sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).

Pinakamarami pa rin ang enrollees sa Region 4A (Calabarzon) na umabot na sa 3,070,451; sumunod ang Region 3 (Central Luzon) na may 2,366,003 at National Capital Region (NCR) na may 2,295,245 habang pinakakaunti ang enrollees sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 352,004.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with