Ekonomiya ng Pinas, bahagyang gumanda – PSA
MANILA, Philippines — Bahagyang gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas nang makapagtala ng 8.2 percent na paglago sa first quarter ng 2022.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bahagyang pagganda ng ekonomiya ng ating bansa ay dahil sa downward adjustments sa sektor ng real estate at ownership na pumalo sa 5.9 percent mula sa 7.9 percent, sa manufacturing na nakapagtala ng 9.8 percent mula sa 10.1 percent gayundin sa wholesale at retail trade, repair ng mga sasakyan na pumalo lamang sa 7 percent mula sa dating 7.3 percent.
Ayon sa PSA, ang first-quarter expansion ng ekonomiya ay mas mataas sa 7.8 percent sa huling quarter ng 2021 na mula Oktubre hanggang Disyembre 2021.
Tumaas naman ang growth estimate ng ahensiya para sa Net Primary Income (NPI) mula sa World Growth na 103.2% ay tumaas sa 105.4%.
- Latest