^

Bansa

Pinas kinakapos na sa suplay ng dugo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na tumulong at mag-donate ng kanilang dugo para mapanatili na sapat ang suplay nito sa mga blood centers at magkapagpahaba pa ng buhay ng mga pasyenteng nangangailangan nito.

Inamin ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naapektuhan ang suplay ng dugo sa bansa dahil maraming tao ang ayaw lumabas ng kanilang tahanan bunsod na rin ng pandemya ng COVID-19.

“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan, doon sa ating mga volunteer blood donors, kung maaari po makapagbigay tayo para ma-sustena natin ang ating supply ng dugo sa ating bansa,” ayon kay Vergeire, sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

Partikular na nakipag-ugnayan na ang DOH sa mga regular donors nila tulad ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), na patuloy na mag-donate ng dugo.

Pinaigting din aniya nila ang kanilang blood donation campaign at sa ngayon ay unti-unti na ring dumarami muli ang mga blood donors.

BLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with