Panukalang income tax exemption sa poll workers, vineto ni Marcos

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. answers question directed to him by the members of the Palace media during a press briefing at the Heroes Hall in Malacañang, Tuesday, July 5, 2022.
PCOO / Robinson Niñal

MANILA, Philippines — Vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong ilibre sa buwis ang tinatanggap na honoraria, ­allowances at iba pang benepisyo ng mga taong nagse-serbisyo sa panahon ng eleksiyon.

Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill No. 9652 at ­Senate Bill No. 2520 na may titulong “An Act ­Exempting from Income Taxation the Honoraria, ­Allowances, and Other Financial Benefits of Persons Rendering Service ­During and Election Period.”

Ayon sa paliwanag, ang panukala ay sumasalungat sa layunin ng Comprehensive Tax Reform Program ng ­gobyerno na iwasto ang hindi pagkakapantay-pantay sa sistema ng buwis ng bansa.

Nakasaaad din sa paliwanag na maiisan­tabi ang mga repormang isinusulong sa ilalim ng RA 10963 o ang TRAIN law at ang mga pag-aaral sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno tungkol sa revenue loss.Ipinaliwanag din ni Marcos na ang panukala ay magiging “hindi patas sa ibang mga taong nagsasagawa ng mga katulad na aktibidad at/o serbisyo.”

Bukod dito, sinabi rin ni Marcos na ang pagbibigay ng ka­ragdagang suporta sa anumang sektor ay pinakamahusay na natugunan sa pamamagitan ng naka-target na paggasta sa badyet sa halip na sa pamamagitan ng sistema ng buwis.

Hinimok ni Marcos ang Kongreso na gumawa ng mga hakbang na naaayon sa “thrust at pangako” ng administrasyon tungo sa pambansang pagbangon ng ekonomiya.

Show comments