Magnitude 7 na lindol yumanig sa probinsya ng Abra, ramdam sa Metro Manila
MANILA, Philippines (Updated 10:47 p.m.) — Inuga ng malakas-lakas na lindol ang ilang bahagi ng Pilipinas, Miyerkules, bagay na umabot sa magnitude 7, ayon sa state seismologists.
Bandang 8:43 a.m. ngayong umaga nang matukoy ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa Tayum, Abra, na siyang may "tectonic" na origin.
Unang ibinalitang 7.3 magnitude ang naging pagyanig sa bayan ng Lagangilang ngunit nirebisa rin kalaunan.
#EarthquakePH #EarthquakeAbra#iFelt_AbraEarthquake
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) July 27, 2022
Earthquake Information No.1
Date and Time: 27 July 2022 - 08:43 AM
Magnitude = 7.3
Depth = 025 km
Location = 17.63°N, 120.74°E - 002 km N 20° E of Lagangilang (Abra)https://t.co/3956JHaXeR pic.twitter.com/132uDTgdhW
Narito ang naranasang intensities sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas:
Intensity VII (Destructive)
- Bucloc at Manabo, Abra
Intensity VI (Very Strong)
- Vigan City, Sinait, Bantay at San Esteban, Ilocos Sur
- Laoac, Pangasinan
- Baguio City
Intensity V (Strong)
- Magsingal at San Juan, Ilocos Sur
- Alaminos City at Labrador, Pangasinan
- Bambang, Nueva Vizcaya
- Mexico, Pampanga
- Concepcion at Tarlac City, Tarlac
- City of Manila
- City of Malabon
Intensity IV (Moderately Strong)
- City of Marikina
- Quezon City
- City of Pasig
- City of Valenzuela
- City of Tabuk, Kalinga
- Bautista at Malasiqui, Pangasinan
- Bayombong at Diadi, Nueva Vizcaya
- Guiguinto, Obando at San Rafael, Bulacan
- San Mateo, Rizal
Intensity III (Weak)
- Bolinao, Pangasinan
- Bulakan, Bulacan
- Tanay, Rizal
Intensity II
- General Trias City, Cavite
- Santa Rosa City, Laguna
Aftershocks at landslide
Bagama't mula sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang origin ng lindol, dama sa iba't ibang bahagi ng Luzon ang pagyanig — hanggang sa National Capital Region.
In-evacuate na ang ilang tao sa Senate building sa Pasay City matapos ang naturang lindol.
Naitala naman ang ilang landslide sa Governor Bado Dangwa National Road, partikular sa Boroan, Longilong, Datakan, Kapangan, Benget.
Kasalukuyang hindi madaraanan ang naturang kalsada ng mga motorista patungong Paykek, Kapangan at Kibungan.
Inaasahan ang pinsala at aftershocks mula sa naturang earthquake.
The Senate building in Pasay City is evacuated following an earthquake that was felt in Metro Manila and nearby provinces. USGS reports that a 6.8-magnitude quake struck northern part of the country. Phivolcs yet to release bulletin
— Xave Gregorio (@XaveGregorio) July 27, 2022
????: Office of Sen. JV Ejercito @PhilstarNews pic.twitter.com/ACXGZxGdFJ
'Maging alerto'
Nanawagan naman ng panalangin si Abra Rep. Ching Bernos ng panalangin para sa kanyang mga nasasakupan ngayong dumaraan sa kalamidad ang kanilang probinsya.
"This strong earthquake shocked many of my beloved Abreños and caused damages to many households and establishments," sabi niya sa isang pahayag kanina.
"We are monitoring the situation on the ground and gathering information on the extent of the damage to the Province. My office is also actively coordinating with proper authorities on what can be done to assist families and communities that were severely affected by this earthquake."
Hinimok din niya ang lahat na maging alerto at gawing prayoridad ang kaligtasan sa gitna ng posibilidad ng mga aftershocks.
Ayon naman kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, kinumpirma na ni ni NDRRMC chair Jose Faustino ang kahandaan ng Armed Forces of the Philippines para sumuporta sa local operations ng local government units.
Si Faustino rin ang in charge sa Department of National Defense, kung saan bahagi ang Office of Civil Defense.
"We have sufficient relief stockpiles prepositioned in these regions to support local relief efforts undertaken by the LGUs," ani Timbal. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest
- Trending