Inflation pangunahing alalahanin ng Pinoy – survey
MANILA, Philippines — Prayoridad ng mga Pilipino na makontrol ang inflation sa bansa.
Base ito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ginawa mula Hunyo 24 hanggang 27.
Sa naturang survey, 57 percent ng mga Filipino ang umaasa na tutugunan o kokontrolin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inflation rate.
Base sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 6.1 percent ang inflation ng bansa noong Hunyo.
Bukod sa inflation, nais din ng mga Pilipino na matugunan ni Marcos ang pagtataas ng suweldo, pagtugon sa kahirapan sa bansa at paglikha ng dagdag trabaho.
- Latest