^

Bansa

Proklamasyon nina BBM, Sara kasado na!

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Proklamasyon nina BBM, Sara kasado na!
This photo posted by presidential aspirant Bongbong Marcos on his Facebook page on November 22 shows him and his running-mate, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Facebook, Bongbong Marcos

Robredo, Moreno walang kuwestiyon sa COC

MANILA, Philippines — Posibleng anumang oras ngayon ay maiproklama na sina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na dahil sa manifestation ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo at Mayor Isko Moreno kaya posibleng mapaaga ang tapos ng canvassing ng mga boto ngayong araw.

“By early afternoon we should be done,” ayon pa kay Zubiri na co-chairman ng National Board of Canvassers (NBOC).

Ito ay dahil sa gitna ng canvassing ay nag-manifest si Atty. Romulo Macalintal na hindi na sila tututol sa resulta ng mga certificate of canvass (COCs) gayundin ang sinabi ng abogado ni Isko Moreno na si Atty. Rizalina Romera.

Sa pahayag ni Macalin­tal, nag-wave na ang kampo ng outgoing vice president ng kanilang appea­rance sa joint canvassing committe para mapabilis ang proseso ng bilangan ng boto para sa mga kandidato sa presidential race.

“We interpose no objection to the inclusion of all the certificates of canvass for president from the various provincial and city boards of canvassers found by this honorable board to be authentic and duly-executed,” pahayag ni Macalintal.

Matapos nito ay kaagad tumayo sa plenaryo si Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive president Bongbong Marcos at ipinaabot kay Robredo at Moreno ang pasasalamat sa pagkilala ng mga ito sa integridad ng resulta ng katatapos lang na eleksyon.

Bago ito ay nag-convene ang joint congressional canvassing committee na siyang magka-canvass ng boto para sa presidential at vice-presidential elections. Dumalo sa joint session ang may 20 senador at 296 kongresista.

Sa pangunguna nina Senate President Tito Sotto at Speaker Lord Allan Velasco ay unang agenda ang pag-adopt sa mga alituntunin para sa gaga­wing canvassing kung saan ang mga senador at kongresista ang tatayong National Board of Canvassers (NBOC).

Dakong 10:30 ng umaga nang ipag-utos ni SP Sotto sa House at Senate secretariat na isa-isang buksan ang bawat balota kung saan nauna rito ang ballot boxes mula sa Embahada ng Pilipinas sa Cambodia.

Unang sinuri ang serial number at lock seals ng bawat envelope gaya ng nailatag na tuntunin at saka muling lalagyan ng seal ang mga certificate of canvass na nasuri na.

Sa ilalim ng mga na­pagkasunduan alituntunin sa panahon ng canvassing, ang Joint Committee ang magdedesisyon sa mga tanong at isyu ukol sa COCs sa pamamagitan ng majority votes ng miyembro ng bawat panel na hiwalay na boboto ang Senado at Kamara.

Sakaling hindi magkasundo ang dalawang panel, ang magdedesisyon ay ang chairperson at kapag nagkaroon ng deadlock, ang reresolba ay ang Speaker at Senate President.

Tinataya naman na matatapos ang canvassing ngayong araw at maaa­ring magproklama ng mga nanalong kandidato sa Huwebes.

BONGBONG MARCOS

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user