^

Bansa

'Censorship ito': Facebook sinuspindi raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos

James Relativo - Philstar.com
'Censorship ito': Facebook sinuspindi raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos
Litrato ni Atty. Vic Rodriguez (kaliwa), na tagapagsalita at chief of staff ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Mula sa Facebook page nina Vic Rodriguez at Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Suspendido raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya.

Ang sinasabing pagka-suspende ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan.

Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na siya ring chief of staff ni Bongbong. Sinabi niya ito kahit Enero 2022 nang banggitin niya sa Rappler na "wala siyang kahit anong social media account."

"FB/Meta suspended my account because I am for Bongbong Marcos. This action is censorship of the highest degree on a sovereign act, digital terrorism no less," wika niya sa isang pahayag na inilabas ng Partido Federal ng Pilipinas.

"I will not appeal for I have not violated anything. My duty is to the Filipino people and not to FB/Meta."

Ang Facebook ay pribadong kumpanya at si Rodriguez naman ay pribadong indibidwal.

 

 

Inirereklamo ni Rodriguez ang diumano'y censorship sa kanya sa social media. Matatandaan na talamak noong Martial Law ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos na ama ni Bongbong ang censorship sa mga pahayagan.

Sa ulat ng The STAR, iginigiit ni Rodriguez na hindi rin daw siya nagpapaskil ng kahit na ano tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict — na kilalang madalas magpakalat ng disinformation online.

Una nang sinabi ng ruling party na PDP-Laban, na nag-endorso kay Bongbong, na sunud-sunod na nafa-flag o "takedown" mula sa Facebook ang mga posts ng kanilang mga kandidato dahil sa paglabag sa community standards.

Ngayong Abril lang nang ianunsyo ng Meta, parent company ng FB, na tinake down nito ang daan-daang accounts at pages sa Pilipinas na nagsasagawa ng "malicious activities" sa social media bago ang May elections.

"I will continue communicating with the many other forms of media available that are free from any filter, censorship or manipulation from foreign platform providers," dagdag pa niya.

Suspendido? Bumalik? Ano ba talaga?

Hindi dapat visible sa ibang tao sa Facebook ang account ng mga suspendido sa platform, pero searchable ang isang Vic Rodriguez na nagpapakilalang tagapagsalita at chief of staff ni Bongbong ngayong hapon.

"Up and running" naman ang opisyal na FB page niya na "Atty. Vic Rodriguez" at hindi naman nawawala sa Facebook.

Taong 2019 lang nang sabihin ng Facebook na lalabanan nila ang pagkalat ng fake news kasabay ng mid-term elections noon. Kaugnay noon, natanggal  ang pagkarami-raming pages at accounts na nagpapakalat ng misleading at hindi accurate na impormasyon. — may mga ulat mula kay The STAR/Edu Punay

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with