^

Bansa

Ping: Mag-travel goals muna sa ‘Pinas para makabangon ang turismo natin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ping: Mag-travel goals muna sa �Pinas para makabangon ang turismo natin
Sen. Panfilo Lacson.
STAR/File

MANILA, Philippines — Para makabangon ang bansa sa epekto ng ekonomiya, hinimok ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga Pilipino na nagbabalak na magbakasyon na bisitahin muna ang magagandang lugar sa ating bansa bago ang pagbisita sa abroad.

Ayon kay Lacson, nga­yong bumababa na ang mga kaso ng mga bagong nahahawa ng COVID-19 at mas maraming lugar na ang nagbukas para sa turismo, magandang pagkakataon umano ito na tangkilikin ang sarili nating turismo.

Inamin pa ng presidential candidate sa isang panayam na maging siya ay may mga hindi pa napupuntahang lugar sa Pilipinas at patuloy pa siya sa pagdiskubre sa mga natatagong destinasyon sa ating bansa.

Kasabay nito, inihayag din ni Lacson ang pagsusulong niya na mapaganda pa ang mga tourism hotspot sa ating bansa nang hindi nasisira ang natural nitong ganda.

Lahat tayo ay maaari umanong makapag-ambag para mapalakas ang ating turismo at ekonomiya, lalo na ang mga millennial na bumubuo ng kanilang travel goals kaya inirekomenda niya na magtungo sa mga tourist spots dito sa Pilipinas.

vuukle comment

PING LACSON

TOURIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with