Marawi Siege Compensation Bill, lusot sa Senado

MANILA, Philippines — Mabibigyan na ng hustisya ang mga biktima ng Marawi siege matapos pumasa sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 2420 o Marawi Siege Compensation Act.

Pinasalamatan naman ni Majority leader Juan Miguel Zubiri, pangunahing may akda ng panukala ang mga kapwa senador sa pagpasa nito na magbibigay ng social justice sa mga biktima ng Marawi siege.

Kapag nagpunta umano sila sa Marawi at Lanao del Sur ay ­maraming kababayan dito ang wala pang mga bahay at walang paraan para makapagpaayos o makapagpatayo muli ng kanilang mga bahay na nasira noong siege.

Magugunita na 2018, si Zubiri rin ang author at sponsor ng Bangsamoro Organic law, bilang tugon sa Marawi Siege.

Sa pamamagitan umano nito ay mabibigyan ng paraan ang mga kababayan sa naturang lugar na makarekober at makatanggap ng financial assistance para tulu­ngan silang makabangon muli mula sa bangungot na nangyari sa kanila.

Show comments