Ano ang mga sintomas ng mahinang pantog o urinary incontinence?
MANILA, Philippines — Ang urinary incontinence ay kondisyon kung saan imboluntaryo o hindi napipigilan ng isang tao ang kanyang pag-ihi dahil sa mahinang pantog.
Bagamat ang kondisyong ito ay karaniwang iniuugnay sa mas nakatatandang mga miyembro ng lipunan, ang totoo, kahit sino ay pwedeng magkaroon ng ganitong karamdaman, ano man ang edad.
Ayon sa Global Forum on Incontinence, nasa 8.7% ng pandaigdigang populasyon o tinatayang 423 million katao ang mayroong urinary incontinence. Tatlong beses itong mas laganap sa kabababaihan at may iba pang risk factors na nakakapagpataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng sakit na ito, tulad ng:
- edad
- timbang
- pagbubuntis
- ethnicity at race
- family history
- pagkakaroon ng bisyo tulad ng paninigarilyo
- comorbities
- at iba pa
Ngunit sa kabila ng taas ng bilang ng apektado, ganap pa ring hindi nabibigyang-pansin bilang health issue ang urinary incontinence, lalo na dito sa ating bansa.
Kaya naman marami sa nakararanas nito ay hirap na humingi ng tulong sa kaanak o sa eksperto dahil mas napangungunahan ng hiya.
Nagdudulot tuloy ang karamdamang ito ng social isolation at depression sa marami.
Ang mga may urinary incontinence ay hindi dapat iniitsapwera bagkus sila dapat ay inuunawa at inaalalayan sa paghahanap ng lunas sa kanilang karamdaman.
Para sa mga nag-aalangan o hindi sigurado kung sila ay mayroong urinary incontinence, maaaring i-tsek ang ilan sa mga kilalang sintomas nito sa susunod na infographic:
Komportableng solusyon
Dapat ituring na malaking health issue ang urinary incontinence. Higit pa, importante para sa mga apektado nito ang access sa mga resources na makakatulong solusyunan ang kanilang problema. Ito ay upang makapamuhay sila nang normal at makagalaw nang mabuti sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin na hindi naaabala sa biglaang pag-ihi.
Batid ang mga pangangailangang ito, ipinakilala ng JSU Unitrade Merchandise Inc. ang bago nilang produkto: ang Hy-Pants Adult Underwear.
Ang Hy-Pants Adult Underwear ay may taglay na iba’t ibang features. Mayroon itong absorbent magic core para sa dry feeling at anti-leak guards para sa dagdag proteksyon upang ikaw ay panatag buong maghapon. Ang breathable outer cover naman ay nagdudulot ng preskong pakiramdan at tulong-iwas sa rashes. Higit sa lahat, ang cottony pants ay may full, stretchable waistband para hindi nakakasagabal sa paggalaw.
Kung ikaw ay may urinary incontinence at naghahanap ng pang-araw-araw na katuwang, subukan na ang Hy-Pants Adult Underwear.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website na https://jsunitrade.com/our-brands/hy-pants/. Para makabili ng Hy-Pants Adult Underwear, magpunta sa pinakamalapit na pamilihan o bisitahin ang kanilang online store sa Shopee at Lazada.
- Latest