^

Bansa

100% sitting capacity sa PUVs inirekomenda ng DOTr

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagtataas ng sitting capacity sa mga pampublikong sasakyan.

Sa consultative meeting ng Senate sub-committee on finance, sinabi ni Atty. Mark Steven Pastor, Assistant Secretary For Road Transport and Infrastructure ng DOTr na sumulat na sila sa IATF tungkol sa rekomendasyon nila na itaas ang sitting capacity mula sa umiiral ngayon na 50%.

Bagama’t hindi naman sinabi kung hanggang saan, iginiit ni Pastor na kung sila ang masusunod, itataas na nila ito sa 100 porsiyento at kaya umano nila itong idepensa sa nakatakdang pulong ng IATF sa Huwebes dahil ibinase ito sa medical literature.

Paliwanag pa ng opisyal na ito rin ang hakbang ng DOTr para hindi magtaas ng singil sa pamasahe dahil walang kinalaman ang mga pasahero sa pagtataas ng presyo ng petrolyo.

Sa naturang pagdinig ay pinuna nina Senators Nancy Binay at Imee Marcos na hindi naman natutupad ang 50 porsiyentong sitting capacity.

Ito ay dahil nakikita nilang laging punuan ang mga pampasaherong bus at jeepney.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with