Hindi nabigyan ng ayuda naglalantaran na
MANILA, Philippines — Naglalantaran na ang mga biktima ng Starpay na handang tumestigo sa hindi naibigay na ayuda mula sa Special Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We are now receiving reports of victims of Starpay and that they want the company to be investigated,” pahayag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.
Ang kinukuwestiyon ng solon ay ang nakuhang mahigit P50 bilyong deal ng Starpay sa DSWD para sa distribusyon ng second tranche ng SAP noong 2020 sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinasabing mas malaking deal ang nakuha ng Starpay na hindi kilalang kumpanya sa DSWD kumpara sa mas kilala at matatag na GCash at PayMaya. Ang Starpay ay nagdeklara ng pagka-bangkarote noong 2019.
Ayon sa solon, noong Agosto sa pagsailalim muli ng National Capital Region sa panibagong ECQ o lockdown ay ipinamahala rin sa Starpay ang pamamahagi ng ayuda.
Sa pagbubulgar ni Sen. Manny Pacquiao sinabi nito na ang kuwestiyonableng transaksyon sa distribusyon ng SAP kung saan nasa 500,000 lamang ang nakatanggap ng payout taliwas sa pahayag ng DSWD na nasa 1.8-M benefiaries kung saan nasa 1.3-M beneficiaries ang hindi nakatanggap ng ayuda.
Ayon kay Zarate maraming mga biktima ang nagtiis ng ilang buwan sa panahon ng lockdown na walang natanggap na ayuda.
- Latest