^

Bansa

Risk allowance ng health workers, wala sa planong 2022 COVID-19 response budget

James Relativo - Philstar.com
Risk allowance ng health workers, wala sa planong 2022 COVID-19 response budget
Residents receive their first dose of Moderna vaccine at the "Vaccine Express" of Vice President Leni Robredo's team in San Pedro Laguna on Aug. 28, 2021.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nabawasan ang pondong ilalaan para sa COVID-19 response ng Department of Health (DOH) sa proposed appropriations nito sa susunod na taon — bahagi ng nawala ay para sana sa benepisyo ng healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, Huwebes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na P73.99 bilyon ang hiniling nila para sa COVID-19 response sa 2022.

Gayunpaman, tanging P19.68 bilyon lang ang inaprubahan dito ng Department of Budget and Management (DBM). Ito ay kahit na nakikitang tatagal pa ang pandemya, ani Duque kanina.

"Yes, malamang ito [pandemya] ay abutin pa ng isa o hanggang dalawang taon batay sa projections ng [World Health Organization]," sagot ng kalihim nang tanungin ni Marikina Rep. Quimbo kung gaano pa tagal ang problema sa COVID-19. 

Ang masaklap pa, sabi ni Duque, hindi inaprubahan ng DBM ang budget next year para sa special risk allowance (SRA), o 'yung benepisyong ibinibigay sa mga healthcare workers dahil sa peligrong hinaharap nila araw-araw sa mga ospital.

"Next year, wala po[ng SRA at meals, accomodation transportation allowance]. We’re hoping that once we reach the herd immunity, and vaccinate at least about 77 million of our people, baka naman po ang sitwasyon ay talagang sadyang mas maging maayos," dagdag niya.

Kasalukuyan pa namang nagproprotesta ang mga manggagawang pangkalukusugan nitong mga nagdaang araw dahil marami pa rin sa kanila ang hindi nakatatanggap ng kanilang hanggang P5,000 SRA.

Ani Quimbo, napakaliit daw ng P19.6 bilyon para para puksain ang COVID-19 kung tutuusin. Suportado naman ni Deputy Speaker Henry Oaminal (Misamis Occidental) ang posibleng pagtataas sa pondo ng DOH para na rin agad matugunan ang pandemya.

Gayunpaman, kung numero at numero ang titignan, mas malaki ng 14% ang kabuuang budget ng DOH para sa 2022 kumpara ngayong 2021. Sa kabuuan, P242.22 bilyong pondo ang proposed budget ng ahensya sa susunod na taon.

Civil, criminal cases sa SRA delay?

Sa kabila ng banta ng kawalan ng SRA ng mga health workers sa susunod na taon, nagbabanta naman ang National Union of People's Lawyers (NUPL) ng kasong sibil at kriminal laban kay Duque dahil sa sobrang delay ng naturang benepisyo sa health workers na nakasaad sa batas.

"Criminally, pwede siyang kasuhan under RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Law) for ‘causing any undue injury through gross inexcusable negligence,’" wika ni Neri Colmenares, chairperson ng NUPL kanina.

"It is gross inexcusable negligence kasi may pera naman nakalaan, meron naman sinabi kung kanino ibibigay, health workers, may term pa nga na ‘Special Risk Allowance,’ so bakit siya hindi na-distribute?”

Sa ilalim ng Bayanihan Law, dapat ay buwan-buwang nakatatanggap ang healthcare workers ng hindi bababa sa P5,000 mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 2021.

Una nang itinakdang deadline sa pamamahagi nito noong ika-30 ng Hunyo noong Lunes.

Sinasabing hindi bababa sa 120,000 health workers pa ang hindi nakakukuha ng kanilang SRA sa ngayon. Maliban sa pagiging "criminally liable," maaaring nilalabag na rin niya ang Code of Conduct for Public Officials.

"Aside from criminal and administrative complaints, Duque should expect civil cases for damages due to gross negligence and incompetence," dagdag niya.

"Perhaps the Health Secretary should now resign and not wait for the audit findings to conclude." — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

BAYAN MUNA

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

HEALTHCARE WORKERS

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with