_ngayon
^

Bansa

‘Manatili sa bahay habang naka-ECQ’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
âManatili sa bahay habang naka-ECQâ
Police officers man an alley at Barangay Batasan Hills in Quezon City on Thursday, July 29, 2021. One enclave in the village is on its third day of lockdown after several individuals tested positive for COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga mamamayan  sa Metro Manila na manatili sa bahay habang ipina­tutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) upang maiwasan ang lalong pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Nograles, palaging ipapaalala sa mga mamamayan ang pananatili sa bahay sa loob ng dalawang linggong ECQ.

Magsisimulang ilagay sa pinakamahigpit na commumity quarantine ang Metro Manila nga-yong Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021.

Lilimitahan ang pag- la­bas ng mga tao na papa­­yagan lamang upang bumili ng mga pangunahing panga-ngailangan lalo na ng pagkain o kung nagta-trabaho sa mga negos­yo na pinapayagang magbukas.

“Everybody has to do their part na kung puwedeng huwag lumabas ng bahay, huwag lumabas ng bahay. ‘Yun yung dapat default, default mindset nating lahat,” ani Nograles.

“Ang default mindset nating lahat, nandiyan ang Delta so huwag ta-yong lumabas ng bahay kung hindi kailangan,” ani Nograles.

Idinagdag ni Nogra-les na ima-maximize ng gob­yerno ang dalawang ling­­gong ECQ sa Metro Manila at papabilisin ang isinasagawang pagbabakuna.

Tiniyak din na hinigpitan ang border control measures para mapigilan ang pagkalat ng virus sa iba pang lugar.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with