Bagong hawa ng COVID-19 sa bansa umabot sa 6,879 sa paghataw ng kaso sa 1.61-M
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,879 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Martes, kung kaya't nasa 1,612,541 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,612,541
- Nagpapagaling pa: 63,137, o 3.9% ng total infections
- Kagagaling lang: 6,337, dahilan para maging 1,521,263 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 48, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 28,141
NCR 'high-risk' na sa COVID-19
-
Umaasa ngayon ang Malacañang na sa Biyernes na huling beses na magpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, ngayong papataas na ang bilang ng mga nababakunahan sa Pilipinas. Aniya, umabot na sa 9.36 milyon ang fully vaccinated na mga Pilipino sa ngayon.
-
Samantala, kasama na ang National Capital Region (NCR) sa Regions 7, 1, 2, 10 at Kordilyera sa mga kina-klasipika bilang "high-risk" sa COVID-19 batay sa moderate two-week growth rate at average daily attack rate, ayon kay Health Undersecretary Mari Rosario Vergeire.
-
Ngayong magkakaroon ng sari-saring ECQ at modified ECQ sa ilang lugar sa Pilipinas sanhi ng pagpalo ng COVID-19 cases, pansamantalang isususpindi muna ng Meralco ang pagpuputol nito ng linya ng kuryente.
-
Bilang epekto ng ECQ, mas maiksi naman ang magiging operating hours ng mga tanggapan ng Bureau of Immigration sa Kamaynilaan simula Biyernes, mula 8 a.m. hanggang 4 p.m., kaysa 5 p.m.
-
Bagama't pagbabawalan ang general population mula sa pagpapabakuna nang hindi nagpapa-schedule, papahintulutan naman ng DOH ang mga senior citizens na mag-"walk in" sa mga vaccination centers sa gitna ng ipatutupad na ECQ.
-
Umabot na sa 198.23 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.22 milyong katao.
— James Relativo
- Latest