^

Bansa

The 'final lockdown'? Palasyo umaasang huling ECQ na ito ng Kamaynilaan

James Relativo - Philstar.com
The 'final lockdown'? Palasyo umaasang huling ECQ na ito ng Kamaynilaan
Members of the Quezon City Police District set up a checkpoint at the boundary of Quezon City and Marikina on Tuesday midnight, Aug. 3, 2021, to inspect passing motorists in preparation for the re-implementation of enhanced community quarantine in Metro Manila.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Habang paparami nang paparami ang nababakunahan sa Pilipinas laban sa coronavirus disease (COVID-19), inaasahan ng Malacañang na ito na ang huling beses na magbababa ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Umabot na kasi sa 9.36 milyon ang fully vaccinated na mga Pilipino sa ngayon, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, Martes. Bahagi lang 'yan ng kabuuang 21.21 milyong doses na naituturok na sa bansa.

"We hope that this will be our last ever lockdown. Bakit po? Kasi tumataas na 'yung numero ng ating pagbabakuna," ani Roque sa isang media briefing kanina.

"From now on po, kung ma-achieve po natin 'yung population protection, it's the number of critical and serious cases that would matter and the death rates. Dahil kapag bakunado na po, COVID-19 can become an ordinary cold."

Aniya, kung magtutuloy-tuloy lang ang pagbabakuna sa Pilipinas ay maaaring maabot ng bansa ang nangyayari sa Israel at Estados Unidos kung saan kahit nagkakaroon ng hawaan ay wala na gaanong seryosong nagkakasakit o namamatay.

Pinabulaanan din ng Palasyo ang mga paratang na "reactive" lang ang gobyerno kung kaya't magpapatupad ng ECQ, lalo na't kung titignan ang mga datos eh sa ika-15 ng Agosto pa mangyayari ang mga totoong pagsipa ng COVID-19 cases.

Inunahan na raw nila ito at ipatutupad ang lockdowns sa Kamaynilaan simula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto. Ginawa rin ito upang mabigyan ng palugit ang publikong makapaghanda, pati na pamahaalaan para sa P1,000 ayudang ibibigay sa mga maaapektuhan.

"Hindi po siya reactive, we had foresight, we are guided by science, and we are preparing for what we hope to be our last ever lockdown. Pero nakasalalay po 'yan doon sa pagbabakuna po natin ng ating mga kababayan," dagdag pa ni Roque.

"[I]to pong linggong palugit, eh wala pong danger na mauubusan tayo ng hospital facilities dahil tumataas [ang kaso] pero pinaghandaan naman po natin 'yan, 'yung mga nakalipas na araw."

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi papayagan ang mga "walk in" vaccinations oras na magsimula ang ECQ sa Metro Manila. Tanging senior citizens lang ang papayagang pumasok sa mga bakunahan nang walang scheduled vaccinations.

Kasabay nito, lahat ay inaasahang mananatili lang sa bahay at hindi lalabas para hindi dapuan ng mas nakahahawang Delta variant, maliban kung magtratrabaho o bibili ng pangangailangan (gamot o pagkain). Gayunpaman, itatratong "authorized persons outside residence" (APOR) ang mga naka-schedule para magpabakuna.

Kasabay ng Metro Manila lockdowns sa Biyernes ay ang pagbabalik ng curfew hours mula 8 p.m. hanggang 4 a.m. Hindi gaya ng mga naunang ECQ, papayagan ang mga pampublikong transportasyon gaya ng mga tren sa muling pagbabalik ng region-wide "hard lockdown."

Sa huling datos ng DOH nitong Lunes, umabot na sa 1.6 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Mula sa bilang na 'yan, namatay na ang 28, 093 katao.

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

DELTA VARIANT

HARRY ROQUE

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with