^

Bansa

De Lima muling sasabak sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Senator Leila de Lima na muli itong tatakbo sa Senado sa 2022 elections.

“Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban,” lahad ni De Lima.

Sinabi ni De Lima na pinatingkad ng kanyang pagkakakulong na magsumikap at magtrabaho nang mahusay upang labanan ang kawalan ng katarungan at ipagtanggol ang karapatang pantao anuman ang mangyari, kaya siya muling tatakbo bilang senador.

Ang naging kasalanan umano niya ay ang pagsalita laban sa extra judicial killings (EJK) kaya siya pinatawan ng mga gawa-gawang kaso hinggil sa droga, pero ang mga tao na may kinalaman sa droga ay nananatiling nakakalaya.

Kahit na nakakulong ng halos limang taon ay  nakapagsampa si De Lima ng  500 panukalang batas at mga resolusyon, at nakakapag-akda at naisabatas ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, Magna Carta of the Poor Act, Community-Based Monitoring System Act, and the National Commission for Senior Citizens Act.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with