CHR, NTF-ELCAC nagkaisa vs NPA
MANILA, Philippines — Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang patuloy na paggamit ng New People’s Army ng mga Anti-Personnel Mines (APM) na lantarang paglabag sa International Humanitarian Laws (IHL), ang kahulihan ay sa Jipapad, Eastern Samar kung saan isang sundalo at dalawang Cafgus ang mga nasawi.
Nakiisa na rin ang ahensiya sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa layunin nitong wakasan na ang 52 taon ng panggugulo ng CPP-NPA at ang walang habas na paglabag ng mga ito sa mga karapatang pangtao.
Ayon kay Mark Siapno, deputy spokesperson ng CHR labag sa prinsipyo at diwa ng IHL ang paggamit ng mga improvised explosive devices, gaya ng landmine. Kagagawan umano ito ng mga teroristang CPP-NPA na nagwawalang-bahala sa karapatang pangtao.
Samantala, nagpahayag din si Maj. Gen. Pio Diñoso, Commander ng 8th Infantry Division ng Army na gumamit ang mga teroristang CPP-NPA ng landmine upang patayin ang kanyang mga sundalo.
Ipinangako naman ng CHR sa pamamagitan ni Siapno na ang pangyayari ay madaragdag sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga komunistang-terorista.
- Latest