_ngayon
^
COVID-19 vaccines protektahan vs âbrownoutsâ sa Luzon
“Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga opis­yales — local and national officials — para masigurado na protektado ‘yung ating mga storage facilities for our vaccines,” ayon kay DOE Undersecretary William Fuentebella.
AFP/Christof Stache

COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon

Angie dela Cruz, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.

“Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga opis­yales — local and national officials — para masigurado na protektado ‘yung ating mga storage facilities for our vaccines,” ayon kay DOE Undersecretary William Fuentebella.

Iminungkahi nila na magkaroon ng ‘triple backup system’ para masolusyunan ang sitwasyon.  Nakapaloob dito ang back-up na solusyon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa mga distribution utility at sa mismong lokasyon ng mga storage facilities.

Ito ay makaraang ila­gay sa ‘yellow at red alert status’ ang Luzon grid.  Ang ‘yellow status’ ay nangangahulugan na manipis ang suplay ng kuryente sa isang lugar habang ang ‘red alert’ ay maaaring magpatupad na ng ‘brownout’.

Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, maaaring magtuluy-tuloy ito hanggang Hunyo 7 maliban tuwing Sabado at Linggo na mas mababa ang demand sa kuryente.

Kasalukuyang nasa 11,408 megawatts lamang umano ang nakahandang kapasidad na mas mababa sa 11,593 megawatts na kailangan sa ‘peak demand’.

Upang masolusyunan ito, maaaring magpatupad ang NGCP ng ‘ma­nual load dropping (MLD)’ o ‘rotational brownout’ sa ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ni NGCP Luzon System head Beng Abadilla na inaasahan na babalik sa normal ang sitwasyon sa enerhiya sa Hunyo 8 dahil babalik na sa ‘online operation’ ang mga pangunahing planta na nag-emergency outage.

Umaasa ang DOE na tataas ang reserbang enerhiya ng bansa sa pagdating ng mga ulan at bagyo na magiging dahilan sa pagbaba sa demand sa kuryente ng publiko dulot ng paggamit ng mga air-conditioning units at electric fans.

DOE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with